Pagsasalita ng Wikang Pangasinan, pilit na bubuhayin ng Provincial Government

Sa hangaring buhayin ang pagsasalita ng wikang Pangasinan, inilunsad ng Pangasinan Government ang Pedagogy of Pangasinan Orthography katuwang ng DepEd at  Komisyon Ng Wikang Filipino o KWF.

Nabatid na sa pinaka-huling survey ng Provincial Tourism and Cultural Office (PTCO) ay pangatlo na lamang ang nagsasalita ng wikang Pangasinan, una rito ang tagalog at pangatlo ang Ilokano.

Sinabi ni Malou Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer, na kung pakunti na ng pakunti ang nagsasalita ang wikang Pangasinan ay baka tuluyan na itong mawala.

Kasabay nito, namahagi rin ng libro na tinatawag na “Libro ng Bayan” at “Atlas ng Wikang Filipino” sa mga Municipal Libraries ng Asingan, Balungao, Binalonan, Bolinao, Labrador, Rosales, San Jacinto, Umingan, Villasis, Pozorrubio, Bani, at Lingayen.

Speak Your Mind

*