Palasyo, nagpaliwanag sa simpleng paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution

Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit maliit at simple lamang ang gagawing paggunita ngayong taon sa anibersaryo ng People Power.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, panahon na para mag-move on mula sa nakaraan at tutukan na lamang ang mga positibong bagay.

Itinanggi rin ni Abella na sinadya ng administrasyon na gawing simple ang anibersaryo dahil ang nasabing okasyon ay may kaugnayan umano sa Liberal Party.

Magugunitang ang People Power ang naging dahilan para mapatalsik si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Speak Your Mind

*