Pamilya ng OFW na nasa death row, umapela kay Pangulong Duterte

Umapela ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng pinay na nasa death row sa Dubai.

Ayon kay Regima Dalquez, ina ng OFW na si Jennefer, trenta anyos, babasahan na ng hukom sa Sabado ang kaniyang anak sa Dubai.

Si Jennefer ay kinasuhan dahil sa pagpatay sa kaniyang among arabo na gustong humalay sa kaniya noong December 2014.

Si Ginang Dalquez ay humingi na ng tulong sa DFA at OWWA para hindi matuloy ang pagbitay kay Jennefer.

Speak Your Mind

*