Pangasinan, naitala ang mataas na datos sa pagpapatupad ng NBB Policy

Naitala ng lalawigan ng Pangasinan ang pinaka-mataas na accomplishment sa “no Balance Billing” o NBB Policy ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa buong Region 1

Ayon kay Atty. Rodolfo del Rosario Jr., Officer-In-Charge ng Regional Philhealth Office 1 na tumaas din sa hanggang 86 percent ng naitala ng pangasinan sa NBB  policy noong 4th quarter.

Sinabi pa ni del Rosario na ang mga district hospital sa Pangasinan ay halos tumaas ng 100 percent na naipapatupad ang NBB Policy kung saan walang babayaran ang mga pasyente sa kanilang pagpapagamot.

 

Nabatid na kabilang sa benipisyong sakop ng NBB policy ang mga medical at surgical cases, Z-benefits pakage, TB dots package, outpatient malaria package, animal bite treatment package, voluntary surgical contraception packages, dialysis package at ang outpatient HIV/AIDS treatment packages.

Speak Your Mind

*