Pangasinan PNP, hindi parin isinasara ang kampanya laban sa iligal na droga

Hindi parin umano tuluyang isinasara ng Provincial Police Office (PPO) ang kanilang kampanya kontra iligal na droga kahit sinuspendi na ang pagpapatulad ng Project Double Barrel at Oplan Tokhang.

Ito ayon kay ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer ng Provincial Police Office (PPO) sa ginanap ng KBP Forum ay dahil patuloy parin naman silang tatanggap ng mga impormasyon.

Sakali umanong may matanggap silang impormasyon ay agad nila itong ipapasa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na silang nangunguna sa kampayan laban sa ilegal na droga.

Kasabay nito, nilinaw ni Candelario ang naipasakamay na sa mga Local Government Unit (LGU’s) ang mga listahan ng mga drug surrenderies dahil sa ipinapatupad na masa-masid ng DILG.

 

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer ng Provincial Police Office (PPO).

Speak Your Mind

*