Pangasinan PNP, nananatiling naka-high alert status kaugnay sa mga rebeldeng NPA

Naka-high alert status ngayon ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) kasunod ng nangyaring kaguluhan sa Cordilleria Region na kinasasangkutan ng mga New People’s Army (NPA).

Ayon kay Police Chief Inspector Arturo Melchor, Chief of Police ng Aguilar PNP, agad siyang nakipag-ugnayan sa Detachment Commander ng Philippine Army sa bayan ng Aguilar matapos ang ginawang pagnununog ng grupo ng NPA sa dalawang dump truck ng Felix Mines sa Ampukaw, Itugon Benguet na karatig lugar lang ng Pangasinan.

Batid aniya na noong unang panahon ay infested area ng PNP ang Aguilar dahil sa mga kabundukang Barangay nito.

Dagdag pa ni Melchor na agad siyang nagsagawa ng visitation sa mga barangay at tamang koordinasyon sa Philippine Army upang matiyak na hindi makapasok ang mga rebeldeng grupo sa lugar.

 

Ang tinig ni Police Chief Inspector Arturo Melchor, Chief of Police ng Aguilar PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*