Pangulong Duterte, ipinag-utos na ang total log ban

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total log ban.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, iniutos ito ni Duterte sa En Banc Meeting ng Climate Change Commission noong Martes.

Isa ang pagpuputol ng mga puno sa mindanao sa sinisisi ng pangulo na dahilan ng pagbaha.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Presidential Spokesman Seretary Ernesto Abella na iniutos na ni Duterte ang pagbuo ng Tripartite Convergence Committee.

Bubuin ito ng Departmet of Environment and Natural Resources (DENR), Deparment of Agriculture (DA) at Department of Interior and Local Government (DILG) na tatalakay sa mga detalye ng total log ban.

Speak Your Mind

*