Pangulong Duterte, nagpahiwatig sa pagpapatuloy ng peace talks

Nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na muling ipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Surigao City, sinabi ng pangulo na umaasa siyang mareresolba ang usapin sa peace talks.

Sinabi pa ni Duterte na wala siyang problema sa ideolohiya ng komunista at kapitalista dahil ang mahalaga aniya sa kanya ay ang kapakanan ng mga Pilipino.

Makakamit din aniya ang pangako niyang kaunlaran sa Mindanao kung makukumbinsi niya ang rebeldeng komunista na magkaroon ng kapayapaan para sa kapakanan ng taumbayan.

Magugunitang binawi ni Duterte ang peace talks sa CPP-NPA-NDF at nagdeklara ng all-out war laban sa mga ito.

Speak Your Mind

*