Panukala laban sa mga fake news, inihain sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan

Inihain ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang isang panukala laban sa mga nagpapakalat sa mga pekeng balita.

Base sa naturang panukala, partikular na makikita o ginagamit ng nagpapakalat ng mga pekeng balita ang social media, pahayagan, radyo at telebesyon.

Ayon kay Atty. Joey  Tamayo, City Coucilor ng Dagupan at may akda ang nasabing panukala ang masasabing fake news kung ito ay hindi totoo, walang basihan, at may intensyon na magpakalat ng maling impormasyon.

Sinabi pa ni Tamayo na sakali maipasa ang nasabing panukala, papatawan ng P5,000 multa at pagkakulong ng hanggang anim na buwan ang mahuhuling gumawa at nagpakalat ng pekeng balita.

Speak Your Mind

*