Panukalang jeepney phase out, hindi pa agad na maipapatupad ayon sa LTFRB

Hindi naramdaman sa mga karating lalawigan ng North Central Luzon ang ikinasang transport strike ng mga jeepney operators at drivers.

Ito ang inihayag ni Atty. Glen Zaragosa, Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 3 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa isinagawang tigil pasada dahil sa panukalang pag-phase-out sa mga lumang pampasaherong jeep na may edad 15 taon-pataas.

Nilinaw ng Zaragosa, nasa posibleng matagal pa ang implementasyon ng isinusulong na panukala dahil nasa inisyap na pag-uusap pa lamang ito sa mga transport sector.

Dagdag pa ni Zaragosa na hindi agad-agad maipapatupad ng jeepney phase out dahil ito ay may kaugnayan din sa modernalization program ng ahensya.

 

Bahagi na aniya sa ikinakasang modernalization program ng ahensya ang maprotektahan ang kalikasan dahil sa maitim na usok na ibinubuga ng mga lumang sasakyan.

 

Ang tinig ni Atty. Glen Zaragosa, Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 3.

Speak Your Mind

*