PDEA Region 1, aminadong malaking kawalan ang natigil na anti-drug operation ng PNP

Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na malaking kawalan sa kanila ang pagkaka-suspinde ng ipinatutupad na Anti-Drug Operation ng Philippine National Police (PNP).

Ito ayon kay Bismark Bingaoyan, Public Information Officer ng PDEA Region 1, kahit mandated sa ilalim ng batas na ang PDEA ang magsasagawa ng anti-drug operation.

Ngunit dahil aniya sa kakulangan ng kanilang bilang na nasa 76 personnel lang sa buong Region 1 ay malaking tulong ang operasyon ng pulisya laban sa iligal na droga.

 

Dahil dito, patuloy aniya ang koordinasyon ng PDEA sa iba pang law enforcement agency kabilang na ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG)

 

Ang tinig ni Bismark Bingaoyan, Public Information Officer ng PDEA Region 1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*