Philhealth, inilunsad ang detoxification package para sa mga biktima ng ilegal na droga

Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang kanilang bagong programa na Detoxification Package para sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot na nais ng magbagong buhay.

Sa programang ito, pasok dito ang mga affected sa ilegal drugs at nagpositibo sa ilegal na droga matapos sumailalim sa laboratory test at examination.

Sinabi naman ni Atty.  Rodolfo del Rosario Jr., Officer-In-Charge ng Regional Philhealth Office 1 na sa ngayon ay hindi pa tuluyang maipapatupad ang detoxification package program dahil hindi pa lumalabas na guideline dito.

 

Inaasahan naman na magbubukas ang detoxification package sa lahat ang accredited Hospital ng Philhealth at mga Drug Rehabilitation Center at makakatanggap ng P10,000 benepisyo ang mga benepisyaryo.

Speak Your Mind

*