PHO, patuloy ang babala sa publiko na huwag baliwalain ang sakit na rabis

Patuloy ang paalala ng Provincial Health Office (PHO) sa publiko na huwag baliwalain ang rabis dahil ito ay mabangis at nakamamatay.

Ito’y kaugnay sa nalalapit na selebrasyon ng “Rabies Awareness Month” sa darating na buwan ng Marso kung saan patuloy na nakapagtatala ng kaso ng mamatay dahil sa rabis sa pangasinan.

Batay sa tala ng PHO, labin isa (11) ang namatay dahil sa rabis noong 2014, labin siyam (19) noong 2015 at labin anim (16)  noong nakarang taong 2016.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Rachelle Zarate, Health Education Promotion Officer ng Pho sinabi nito na ang rabis ay isang sakit na sanhi ng negri virus at maaaring makuha mula sa kagat, kalmot at laway ng aso, pusa, paniki at unggoy.

Maaari din umanong makuha o mahawaan ng rabis mula sa mga taong kumpirmadong may rabis.

 

Ilan naman aniya sa mga palatandaan kapag ang isang hayop ay may rabis kung ito ay nagiging mabangis, tumatakbo ng walang direksyon, nangangagat ng kahit anong bagay, hindi makainom ng tubig at pagbubula ng bibig dahil sa subrang paglalaway.


Pagpabakuna ang kanilang mga alagang aso, hinihikayat ng pho sa mga pet owner

Upang masiguro na ligtas sa nakamamatay na rabis, hinihikayat ng Provincial Health Office (PHO) ang mga pet owner na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso.

Ayon kay Rachelle Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO na maaari ng pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa rabis kapag ito ay may tatlong buwan na.

Ngunit kung mahina ang resistensya ng tatlong buwang tuta ay maaari itong pabakunahan sa ika-anim na buwan at pagkatapos maaari ng bakunahan taon-taon.

Sa ngayon, sinabi ni Zarate na nagbibigay ang mga Munisipal o Provincial Veterinary ng vaccinataion record para sa taon-taong pagbabakuna sa mga alagang hayop.

 

Dagdag pa ng opisyal na para matiyak na ligtas sa rabis ang mga alagang hayop dapat itong bigyan ng sapat, malinis na pagkain at inumin, panatilihing malinis ang kanilang tulugan, paliguan araw-araw, laging itali o ikulong at kung maaari ay ipakapon ang alagang aso na lalaki.


 

PHO, binalaan ang publiko na huwag magpunta sa tandok o albularyo sakaling makagat ng aso

Huwag magpunta sa tandok, albularyo o mapasupsup sakaling makagat ng alagang hayop.

Ito ang paalala ng Provincial Health Office (PHO) sa publiko kaugnay sa nakamamatay na sakit na rabis.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Rachelle Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO na kung nakagat ng hayop na may rabis agad na hugasan ang sugat ng sabon at tubig sa loob ng 10 minuto.

Huwag lagyan ng bawang o anumang tradisyunal na pampahid ang bahagi ng nakagat at agad na magpakunsulta sa Health Center o Animal Bite Treatment Center.

Dagdag pa ni Zarate na dapat ding obserbahan ang hayop na nakakagat sa loob ng labin apat (14) na araw o dalawang linggo.

 

Sakali naman umanong nakitaan ng pagbabago sa pag-uugali ang alagang hayop na nakakagat ay dalhin ito sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa bayan ng Sta. Barbara.

Speak Your Mind

*