Platinum Humanitarian Project, mas palalawakin ang nasi-serbisyuhan ng PRC

Inilunsad ng Philippine Red Cross–Pangasinan Chapter ang kanilang Platinum Humanitarian Project sa harangaring mas mapalawak ang kanilang Blood Samaritan Program.

Ayon kay Floramae Magalong, Chapter Administrator ng PRC-Pangasinan, target ng Platinum Humanitarian Project ngayong taon na dagdagan ang bilang ng mga indigent na kanilang natutulungan.

Sinabi pa ni magalong na nakalinya na ang mga aktibidad sa ilalim ng naturang program kabilang na ang “Barangay and School Base Disaster Risk Reduction” na pinondohan ng German Red Cross, “Maternal and Child Health Project” katuwang ang Department of Health at Population Commission.

Upang matiyak na indigent ang samaritan blood project beneficiary, kailangang mapakita ito ng indigent certificate mula sa barangay o kaya’y certification ng ospital na ito ay isang indigent patient.

Samantala, inihayag naman ni Governor Amado “Pogi” Espino III bilang panauhing tagapasalita sa  ika-pitumpung taon ng Philippine Red Cross ang suporta at pasasalamat sa bolunterismo at serbisyong inihahatid ng PRC sa mga Pangasinense.

Speak Your Mind

*