Plunder reclusion, perpetua pa rin kahit hindi kasama sa parusang bitay

Napagkasunduan sa isang caucus ng mga kongresista ang pag-aalis sa plunder sa listahan ng mga krimeng dapat na patawan ng parusang bitay.

Pero paliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez, sa ilalim ng panukala ay mapapatawan pa rin ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Matatandaang umani ng batikos ang hindi pagkakasama ng plunder sa mga parurusahan ng bitay.

Idinepensa rin ni Alvarez ang panukalang ibalik ang death penalty na sinasabi ng mga kritiko na para lamang sa mahihirap.

Ani Alvarez, mahirap man o mayaman ay mapapatawan ng parusang bitay kung mapatutunayang nagkasala.

Speak Your Mind

*