PNP, bubuo ng bagong anti-drug group

Bubuo ng bagong drug enforcement group ang Philippine National Police (PNP) oras na bumalik na ang mga ito sa kampanya kontra-droga.

Ani PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, bagong mga opisyal ang mangunguna sa bubuuing bagong grupo.

Hindi naman sinabi ni Dela Rosa kung kailan sila babalik sa war on drugs ng administrasyon para na rin aniya masorpresa ang kanilang mga kalaban.

Matatandaang ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang desisyon kung kailan babalik sa kampanya kontra-droga.

Speak Your Mind

*