PNP, tutulong parin sa PDEA kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga

Handa pa rin ang Philippine National Police (Pnp) na makipagtulungan sa kampanya kontra illegal na droga.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Niel Miro, hepe ng Dagupan City PNP matapos inanunsiyo ni PNP Chief PDGen. Ronald dela Rosa na wala na munang ipatutupad na oplan tokhang at project double barrel sa buong bansa.

Ayon pa kay Miro, tuloy parin ang kanilang monitoring at ibibigay nila ang impormasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang hindi masayang ang kanilang nasimulang kampanya laban sa ilegal na droga.

 

Babala pa ni miro sa drug personalities sa lungsod ng Dagupan huwag pumalakpak dahil tuloy parin ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng information intelligence gathering.

 

Hindi naman maitago ang panghihinayag ni miro sa aniya’y maganda nang nasimulan ng pnp sa kampanya laban sa iligal na droga pero wala daw silang magagawa ngayon kundi ang sumunod.

Speak Your Mind

*