Prangkisa ng TELCOS, ipakakansela kung hindi pa rin maganda ang serbisyo

Nagbabala si House Minority Leader Danilo Suarez na kakanselahin ang prangkisa ng mga telecommunication company.

Bunsod ito ng aniya’y hindi magandang serbisyo ng mga ito.

Kinukuwestyon ng minorya ang anila’y minadaling pag-apruba sa prangkisa ng Smart Communications noong nakaraang taon.

Ayon pa sa isa sa miyembro ng minorya na si Kabayan Party-List Representative Harry Roque, mismong sa gusali ng kongreso ay walang network signal pero ang telcos ay sa kanila humihingi ng prangkisa.

Speak Your Mind

*