Promoting Family Earthquake Preparedness ng DepEd Pangasinan 1, nagpapatuloy

Bahagi sa paghahanda sa panahon ng kalamidad, patuloy na isinusulong ng Department of Education (DepEd) Pangasinan 1 ang kanilang programa na “Family Earthquake Preparedness”.

Ito ayon kay Engr. Darwin Rivera, Project Development Officer (PDO) II ng School Division Office – DepEd Pangasinan I ay sa ilalim ng DepEd Order No. 27 serries of 2015.

Bahagi aniya sa pagpapatupad ng programa ang pagsagot ng mga magulang ang mga questionnaire ng DepEd na iuuwi ng kanilang anak hinggil sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

 

Dagdag pa ni Rivera na tungkulin naman ng mga guro na itama ang sagot ng magulang batay sa guideline na nakalagay DepEd Order at ituro sa mga bata ang mga tamang hakbang na dapat gawin sakali mang magkaroon ng lindol.

Speak Your Mind

*