Provincial Population Officer Gonzales, lusot na ang appointment sa SP

Lusot na sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ang appointment ni Ellsworth Gonzales bilang Provincial Population Officer.

Sa pamamagitan ng Provincial Resolution No. 538-2017, ganap nang Provincial Population Officer si Gonzales na nagsilbi bilang Officer-In-Charge ng PPO mula noong 2013.

Si Gonzalez ang nagtapos ng Bachelor’s Degree in Community Development sa University of the Philippines ng Diliman noong 1997 at kumuha ng Master’s Degree in Business Administration sa University of Pangasinan noong 2003.

Sa ilalim ng kanyang paglilingkod sa provincial government ng halos labin isang taon  hinawakan nito ang mga trabaho gaya ng project development and management kabilang na ang mga project proposals, design and concept, projects implementation, monitoring at evaluation.

Speak Your Mind

*