Pulong Duterte, pinayuhan si Trillanes na magpatingin sa isang psychiatrist

Pinayuhan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na magpatingin sa psychiatrist dahil malinaw umano na mayroon itong problema sa pag-iisip.

Ginawa ng alkalde ang pahayag makaraang muling buhayin ni Trillanes ang alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang pamilya tungkol sa bilyon-bilyong umanong laman ng kanilang mga bank account.

Ayon kay Vice Mayor Duterte, kung mayroon silang milyones ay agad nila itong ibibigay sa mga biktima ng lindol sa Surigao Del Norte.

Hinamon rin ng batang duterte na magbitiw na lamang si Trillanes dahil wala na rin naman aniyang naniniwala pa sa Senador.

Speak Your Mind

*