Pulong ng mga makakaliwang miyembro ng Gabinete kay Duterte, walang basbas ng NDFP

Makikipagpulong sa susunod na linggo ang mga makakaliwang miyembro ng Gabinete kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Liza Maza na makasasama niya sa nasabing pulong sina Department of Social Welfare (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano.

Bukod sa mga makakaliwang miyembro ng Gabinete, kasama rin sa pulong si government chief peace negotiator at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bebot Bello.

Gayunman, tiniyak ni Maza na walang basbas ng National Democratic Front (NDF) ang nasabing pulong.

Speak Your Mind

*