Rafael Nadal, umatras sa ABN Amro tennis tournament

Umatras na sa ABN Amro tennis tournament si tennis superstar Rafael Nadal.

Ayon kay Nadal, kailangan niyang magpahinga ayon na rin sa payo ng kanyang mga duktor.

Matatandaang sa nakaraang Australian Open ay natalo si Nadal kay 18-grand slam champion Roger Federer.

Una nang nag-pull out sa ABN Amro tennis tournament si Stan Wawrinka dahil sa tinamong injury sa tuhod.

Speak Your Mind

*