Rematch kay Nonito Donaire, tinanggihan ni Jessie Magdaleno

Tumanggi si WBO Super Bantamweight Champion Jessie Magdaleno na kalabanin muli si Nonito ‘The Filipino Flash” Donaire.

Nasulot ni Magdaleno ang nasabing titulo kay Donaire noong Nobyembre.

Mas nais umano ng kampo ni Magdaleno na lumaban sa ibang boksingero kaysa gawin ang rematch kay Donaire.

Pinasaringan naman ni Donaire si Magdaleno at inihalimbawa pa ang mga kilalang boksingero gaya nina Manny Paquiao at Timothy Bradley na inaalok agad ng rematch ang kanilang mga challengers para patunayan ang kanilang husay.

Ang pagkatalo kay Magdaleno ay ikaapat na sa buong karera ni Donaire na mayroon namang tatlumpu’t pitong panalo.

Speak Your Mind

*