Revilla, naghain ng mosyon sa Sandiganbayan para mabasura ang kasong plunder

Naghain ng mosyon si dating Senador Bong Revilla upang mabasura ang kasong plunder, kaugnay ng pagkakasangkot niya sa pork barrel scam.

Sa mosyong inihain niya sa Sandiganbayan First Division, sinabi ni Revilla na ang mga akusasyon laban sa kanya ay hindi sapat para patunayan ang kasong plunder.

Nilabag din umano ng prosekusyon ang kanyang karapatan dahil sa hindi ipinaalam ng mga ito ang kasong isinampa laban sa kanya.

Inihain ni Revilla ang mosyon bago ang kanyang nakatakdang paglilitis bukas.

Si Revilla ay sumuko at nakadetine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong plunder.

Speak Your Mind

*