Revival ng death penalty, hindi party stand ng PDP-Laban – Pimentel

Kinontra ni Senate President Koko Pimentel ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na party stand ng PDP-Laban ang pagsuporta sa pagpapanumbalik ng death penalty.

Masyado pa rin aniyang “premature” para sabihan ang kanilang mga miyembro na umalis sa partido kung hindi susuportahan ang panukala.

Pero, ani Pimentel, pwede namang kumbinsihin ni Alvarez ang mga matataas na opisyal ng partido para maging party stand nito ang pagsuporta sa death penalty.

Kung sa senado, sinabi naman ni Pimentel na hindi nila prayoridad ang pagtalakay sa death penalty.

Speak Your Mind

*