Robredo, naalarma sa banta ni Alvarez kaugnay sa Death Penalty Bill

Naalarma si Vice President Leni Robredo sa aniya’y ‘banta’ at ‘pambabraso’ ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga mambabatas na kaalyado ng administrasyon na boboto kontra sa Death Penalty Bill.

Pero para kay Robredo, maituturing na defining moment ang situwasyon para masukat kung mas mahalaga ba sa kanila ang posisyon o paninindigan.

Kung ipatutupad ni Alvarez ang kanyang pahayag, ilang mga makaadministrasyong mambabatas ang malalagay sa alanganin kasama na si Deputy Speaker Gloria Arroyo.

Si Arroyo ang nagbasura ng parusang bitay noong 2006 nang siya pa ang pangulo ng bansa.

Sa Senado naman ay suspindido na ang mga pagdinig patungkol sa panukala hangga’t hindi napapaliwanag ng Department of Justice (DOJ) kung may malalabag na pinasok na tratado o kasunduan ang bansa.

Speak Your Mind

*