San Quintin PNP, nag-iikot na sa mga barangay bahagi sa anti-ilegal gambling campaign

Nag-iikot na sa lahat ng barangay sa bayan ng San Quintin, Pangasinan ang mga kapulisan bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte sa kampanya laban sa mga ilegal gambling.

Ito ang inihayag ni Police Chief Inspector Rowel Albano, Officer-In-Charge ng San Quintin PNP kung saan inaalam nila kung may nag-e-excess na mga ilegal gambling gaya ng mga dropball.

Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ng PNP ang guideline na magmumula sa PNP Central Office upang matukoy ang mga dapat hulihin na lumabag sa ilegal na pagsusugal.

 

Dagdag pa ni Albano na matuturing na sugal ang lahat ng uri ng laro na nagdidipendi sa kapalaran na envolved ang pera at ito ay walang kaukulang permit sa lokal o pambansang pamahalaan.

Speak Your Mind

*