Sapat na suplay ng bigas sa merkado, muling tiniyak ng NFA

Muling tiniyak ng National Food Authority (NFA) Western Pangasinan na sapat ng suplay ng bigas sa lalawigan bagamat na planting season pa lamang ang mga magsasaka.

Sa katunayan ayon kay Julieta Orias, Assistant Manager ng NFA-Western Pangasinan, umaabot pa sa 65,000 bags ng bigas ang buffer stocks at mayroon pang darating na 266,000 sako ng bigas mula sa rice importation program.

Dagdag pa ni Orias na bago matapos ang buwan ng Hunyo ay may inaasahan ding darating na 35,000 bags ng bigas na siyang rice requirement na ibibenta ng nfa hanggang sa 3rd quarter ng taon.

Kasabay nito, tiniyak din ng NFA na marami pa ang nasa commercial stock na nasa mahigit 160,000 bags at household stock na umaabot sa mahigit i milyong bags ng bigas.

Samantala, nanantiling nasa P27 hanggang P32 ang kada kilo ng nfa rice habang nasa P33 hanggang P57 ang kada kilo ng well milled rice depende sa klase na mabibili sa merkado.

Speak Your Mind

*