Senador Trillanes, muling tinuligsa si Pangulong Duterte

Muling pinasaringan ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na kasingkurakot umano ito ni dating Vice President Jejomar Binay.

Ito ay taliwas umano sa ipinamukha ni Duterte na isa itong simpleng tao at hindi kailanman nasangkot sa kurapsiyon samantalang nanunungkulan sa loob ng gobyerno.

Aniya, bigo ang taumbayan sa mga binitawang pangako ni Duterte na hindi naman natutupad sa ilang buwang panunungkulan sa pamahalaan.

Binigyang-diin ng senador na marami ang mga nasawi dahil sa kautusan umano ni Duterte na lipulin ang drug pushers at addicts samantalang ang bigtime suppliers ay hindi kailanman nagagalaw.

Speak Your Mind

*