Serbisyo ng Loyalty Card Program ng Pag-Ibig Fund, mas pinapalawak

Mas pinapalawak ngayon ng Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig Fund) ang kanilang Loyalty Card Program upang mas maraming miyembro nito ang maserbesyuhan.

Ito ayon kay Becker Van Ramos, Information Officer ng Pag-Ibig Fund- Dagupan Branch, kung saan ang Loyalty Card ay nagsisilbing Membership Identification Card para sa Fund Members.

Magsisilbi rin itong discount and point-system card sa ilang mga establishemento ng kapartner ng Pag-Ibig Fund.

Sa ngayon patuloy na kumakalap ang Pag-Ibig Fund ng mas maraming establisyemento na nakipag-partner sa Pag-Ibig Fund gaya ng mga supermnarket, gasolinahan, paaralan, hospital na kayang magbigay ng diskuwento.

Kasabay nito, patuloy na hinihikayat ni Ramos ang lahat ng pag-ibig members na kumuha ng loyalty card lalot wala naman itong expiration date.

Speak Your Mind

*