Shaina Magdayao, nagpaliwanag sa ‘exclusively dating’ nila ni Piolo Pascual

Nagpaliwanag ang aktres na si Shaina Magdayao sa ‘exclusively dating’ status nila ng aktor na si Piolo Pascual.

Ito ay matapos ang naging rebelasyon ni Piolo na limang taon na silang ‘exclusively dating’ ng aktres.

Ayon kay Shaina, naiintindihan niya ang paglalagay ng label ni Piolo sa kanilang nag-level up na relasyon.

Pero nilinaw ng aktres na kapwa sila malayang makipag-date sa iba.

Naa-appreciate naman ni Shaina na hindi nakikipag-date sa ibang babae si Piolo maliban sa kanya.

Samantala, aminado naman ang aktres na espesyal sa kanya si Piolo pero maaga pa raw para bigyan ng opisyal na label ang kanilang relasyon.

Speak Your Mind

*