Simultaneous Tooth Brushing Drill, isinagawa ng PHO ngayong Dental Month

Nagsagawa ng “Simultaneous Tooth Brushing Drill” sa lahat ng Daycare Pupils ang Provincial Health Office (PHO) sa apat ng lungsod sa Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Dahlia Dumantay, Health Education Promotion Officer (HEPO) ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio bilang hahagi sa selebrasyon ng Dental Month ngayong buwan ng Pebrero.

Inaasahan naman na taon-taon na itong isasagawa sa mga lungsod ng Urdaneta, Dagupan, Alaminos, at San Carlos.

Ayon kay Dumatay, mataas ang banta sa pagkasira ng ngipin ng mga bata kung hindi agad mag-to-tooth brush dahil sa pagkain ng mga candy o matatamis na pagkain.

Dahil dito, ipinapayo ng PHO sa mga magulang na alagaan ang ngipin ng kanilang mga anak para makamit ang isang “healthy smile’.

 

Ang tinig ni Dahlia Dumantay, Health Education Promotion Officer (HEPO) ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*