Smuggled na sibuyas na nagkakahalaga ng P15M, nasabat ng BOC

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled na sibuyas galing India na nagkakahalaga ng labinlimang milyong piso.

Naharang ang mga smuggled na sibuyas sa Manila International Container Port.

Ibibiyahe sana ang mga ito sa Binondo, Maynila at sa Candaba, Pampanga.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, walang valid import permits ang sibuyas mula sa Bureau of Plant Industry.

Napag-alamang nasa walong container vans ng mga sibuyas ay mapupunta sa Mheriban Sales Corporation sa Binondo habang ang tatlo naman ay sa malaya Multi-Purpose Cooperative sa Candaba.

Dinala sa bansa ang mga smuggled na sibuyas galing India sa pamamagitan ng barkong E.R. Felixstowe 032E.

Speak Your Mind

*