Solid Waste Management Plan, prayoridad ng Malasiqui LGU’S

Prayoridad ng pamahalaang lokal ng bayan ng Malasiqui, Pangasinan na maisakatuparan ang kanilang Solid Waste Management Plan, bilang tugon sa problema sa basura.

Ito ang inihayag ni Malasiqui Mayor Noel Anthony Geslani sa ginanap na special forum ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP-Pangasinan Chapter sa Munisipal Hall ng bayan ng Malasiqui.

Sinabi ni Mayor Geslani na unang hakbang na kanilang ginawa ay linisin at alisin ang lahat ng “eyes sore” sa public market at plaza, at pagsasagawa ng clean up drive.

Bahagi rin aniya sa up-grading ng Solid Waste Management Plan ang paglalaan ng pondo para sa labing anim na ektaryang lupa na pag-aari ng munisipyo.

 

 

Sa ngayon, maituturing na control dump site ang naturang lupa na pag-aari ng munisipyo at hanggang ngayon hinahapan pa nila ng solusyon ang mga basura na non-biodegradable gaya ng mga plastic.

Speak Your Mind

*