Sombero, nangakong dadalo sa susunod na Senate hearing

Nangako si Wally Sombero, ang sinasabing middleman ng gambling tycoon na si Jack Lam, na dadalo na sa susunod na Senate hearing kaugnay ng 50 million bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

Kinumpirma ito mismo ni Senate Blue Ribbon Committee chairman at Senador Richard Gordon.

Ayon kay Gordon, tumawag sa kanya si Sombero para tiyakin sa kanya na uuwi na ito ng bansa.

Malaking bagay aniya sa imbestigasyon kung talagang darating si Sombero para malaman na ang puno’t dulo ng nangyaring suhulan.

Naglabas din aniya ng sama ng loob sa kanya si Sombero dahil sa mistula umanong pagtrato rito bilang kriminal.

Speak Your Mind

*