SSS, nagbabala sa delingkwenteng employer na hindi pagbabayad ng SSS Contributions

Nagbabala ang Social Security System (SSS) Central Luzon sa mga delingkwenteng employer na mahigpit nilang babantayan ang hindi nagbabayad ng sss contributions ng kanilang mga empleyado.

Ito ang inihayag ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS Central Luzon sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Inocencio na matagal na nilang ginagawa ang paghuhuli o paglalabas ng warrants of arrest sa mga delingkwenteng employer pero ngayon ay mas maiigtingin nila.

 

Kasabay nito, nananawagan naman si Inocencio sa mga empleyado na sakaling sila ay hindi nireremitahan ng SSS contributions ng kanilang mga employer ay kusa na silang magsumbong sa sss.

 

Ang tinig ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS-Central luzon sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*