SSS, sisikaping pagsabayin ang dagdag-pensyon para sa Enero at Pebrero

Titingnan ng Social Security System (SSS) kung maihahabol na mapagsabay ang dagdag-pensyon para sa buwan ng Enero at Pebrero.

Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, ang ibibigay na isang libong piso ngayong Pebrero ay para sa nakaraang buwan kung kailan inaprubahan ang nasabing dagdag-pensyon.

Ibig sabihin, dalawang libong piso ang madadagdag sa pensyon ngayon ng mga retiradong miyembro ng sss para sa buwan ng Enero at Pebrero.

Naantala ang paglalabas ng pensyon noong nakaraang buwan dahil sa tinalakay pa kung Executive Order o Memorandum of Approval ang kinakailangan para sa dagdag-pensyon.

Bukod dito, tinututukan din ng SSS ang mga delinkwenteng employer na karamihan ay kinasuhan na.

Speak Your Mind

*