Star Hotshots, nakuha ang unang panalo sa semifinals kontra Ginebra

Nakuha ng Star Hotshots ang unang panalo sa best-of-7 semifinals game kontra Barangay Ginebra.

Nanaig pa ang Ginkings sa first half hanggang third quarter ng laro.

Pero naging susi ang mga solid shots ni Paul Lee para masilat ng Star ang kalamangan sa Ginebra pagdating ng huling quarter.

Nagwakas sa iskor na 78-74 ang tagisan ng dalawang koponan.

Itinanghal na Best Player of the Game si Lee na may 18 puntos at 5 rebound.

Speak Your Mind

*