Stephen Curry, nagpahiwatig na kakalas sa under armour

Nagpahiwatig ng pagkalas sa apparel company na Under Armour si Golden State Warriors star Stephen Curry.

Ito ay matapos ang pahayag ni Under Armour President Kevin Plank na naglalarawan kay US President Donald Trump bilang ‘real asset’ ng Amerika.

Pahayag ni Curry, sang-ayon siya sa paglalarawan ni Plank kung aalisin ang ‘et’ sa ‘asset.’

Kung hindi na umano nakalinya sa kanyang prinsipyo ang kumpanya ay hindi siya magdadalawang-isip na umalis sa Under Armour.

Inendorso ng basketbolista noong nakaraang eleksiyon si dating US Secretary of State Hillary Clinton.

Si Curry ang endorser ng mga basketball gear ng Under Armour at nakakontrata siya hanggang 2024.

Speak Your Mind

*