Suplay ng bulaklak sa Dagupan, dagsa na ilang araw bago ang valentines days

Ilang araw bago ang pagdiriwang ng araw ng mga puso o valentines days, ramdam na ang pagdagsa ng suplay ng bulaklak sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa mga tindera, stable pa ang presyo ng bulaklak, ngunit asahan na daw ang pagtaas ng presyo nito habang papalapit ang valintines days dahil sa mataas na demand.

Sa ngayon mabibili ang roses sa halagang P15-P20 ang kada peraso habang nasa P300-P400 ang kada bundle nito, nagkakahalaga naman sa P19-P20 ang bawat stem ng stargazer at P250-P300 ang kada bundle.

Mabibili din sa dagupan ang gerbera na nagkakahalaga ng P30-P35 ang kada stem at P260-P300 ang kada bundle, at mabibili ang carnation sa halagang P35-P40 ang kada stem at P100-P120 ang bawat bundle.

Samantala, makakabili ng made to order na mga bouquet ng pulang-pulang rosas, P70 ang isang piraso ng rose na naka-bouquet, P150 ang tatlong piraso ng rose na nasa bouquet at P350 tatlong piraso ng rose na special ang pagkakagawa.

Speak Your Mind

*