Surigao Del Norte, muling niyanig ng 3 magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol ang Surigao Del Norte kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Surigao, tumama ang lindol sa Bayan ng Burgos, Surigao Del Norte.

Nilinaw ng PHIVOLCS na ang naturang mga pagyanig ay hindi aftershocks sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Siyudad ng Surigao noong Pebrero a-diyes.

Ito ay dahil ibang fault diumano ang gumalaw, kung ihahambing sa fault na gumalaw sa malakas na lindol na yumanig sa siyudad, na ikinasawi nang halos 10 katao.

Wala pa namang naiulat na pinsala sa sunud-sunod na mga pagyanig.

Speak Your Mind

*