Suspek sa pagpatay sa half-brother ng NoKor Leader, nakadetine sa Malaysia

Idinetine ng Malaysia ang ikalawang babaeng suspek sa pagpatay sa half-brother ni North Korean Leader Kim Jong-Un na si Kim Jong-Nam.

Ayon sa ulat ng local media, idinetine ang isang babaeng may hawak ng Vietnam travel papers.

Tinitingnan na rin nila ang ilang banyagang suspek na posibleng responsable sa krimen.

Una nang pinalutang ng Amerika at South Korea (SoKor) na posibleng ang North Korea (NoKor) mismo ang nasa likod ng pagpatay kay Kim Jong-Nam dahil sa matagal na rin umano itong pinaplanong patayin.

Speak Your Mind

*