Swift Water Reserve and Life Guard Training, isinagawa ng PDRRMO Pangasinan

Nagsagawa ng limang araw na “Swift Water Reserve and Life Guard Training” ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO bilang paghahanda sa papalapit na panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Joven Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO  layun nito na mapaghandaan ang paparating na mga kalamidad gaya ng mga pag-baha.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Solis na maliban sa Water Search and Rescue (WASAR) Team na bihasa sa pagresponde sa dagat at ilog, sinasanay narin ang mga rescue team sa pagresponde sa rumaragasang pagbaha mula sa mga kabundukan.

 

Nilahukan naman ito ng mga mdrrmo mula sa bayan ng Lingayen, Bugalon, San Fabian, Rosales, Calasiao, Agno at mga miyembro ng Water Search and Rescue (WASAR) Team.

Samantala, maliban rito nagpapatuloy parin ang weekly coastal clean-up drive at repair and maintenance sa mga rescue boat ng ibat-ibang munisipyo na nasa coastal area upang mapaghandaan ang mga pag-ulan.

Speak Your Mind

*