Tatlong araw na S&T Caravan ng DOST, isasagawa sa Dagupan

Patuloy ang isinasagawang Science and Technology o S&T Caravan ng Department of Science and Technology (DOST) na taon-taong isinasagawa sa buong region 1.

Ayon kay Arnold Santos, Senior Research Scientist (SRS) DOST Satellite Office Urdaneta City, layun ng S&T Caravan na maiparating sa kumunidad ang mga proyekto at mga programang isinasagawa ng DOST.

Dagdag pa ni santos na daan din ito para makabuo ng magandang relasyon sa lahat ng mga Local Government Unit (LGU’S) gamit ang mga makabagong teknolohiya ng dost.

Magkakaroon naman ng ibat-ibang aktibidad sa s&t caravan kabilang na dito ang s&t exhibit, techno forum, technology training, film viewing at interactive exhibit.

 

Libre naman aniya ang pagdalo sa S&T Caravan ng DOST na tatlong araw na isasagawa sa darating na buwan ng Marso 28-30 sa lungsod ng Dagupan

Speak Your Mind

*