Trillanes, handang makulong o mamatay sa pagiging kritiko ng Pangulong Duterte

Nakahanda na umano si Senador Antonio Trillanes IV na makulong o mamatay dahil sa pagiging kritiko niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksiyon ito ni Trillanes sa tila pahiwatig ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, na siya na ang susunod na ipakukulong na senador ng Duterte Administration.

Pero tanggap na raw ni Trillanes ang posibilidad na siya naman ang sunod na maging biktima ng umano’y political persecution kasunod ni Senador Leila De Lima.

Maliban sa muling pagbuhay ng isyu kaugnay ng bank account ni Duterte, tinutulungan din ni Trillanes si retired SPO3 Arthur Lascañas na kailan lang ay itinurong mastermind ang pangulo sa umano’y Davao Death Squad (DDS).

Speak Your Mind

*