Trillanes, muling hinamon si Duterte na ilabas ang bank accounts transaction history

Hindi papatulan ni Senador Antonio Trillanes ang aniya’y pang-iinsulto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa isang statement, iginiit ni Trillanes na hindi siya papayag na ilihis ng pangulo ang ibinabato niyang isyu laban dito.

Muling hinamon ni Trillanes si Duterte na tanggapin ang hamon niya at buksan ang transaction history ng bank accounts nito, lalo na’t kung wala umano itong itinatagong yaman.

Sinabi rin ni Trillanes na kung mali siya ay magbibitiw siya bilang senador.

Ipinunto rin ni Trillanes na naghain siya ng kasong plunder laban kay Duterte noong Mayo 2016 at nanawagan siya sa Ombudsman na bilisan  ang imbestigasyon patungkol sa mga umano’y tagong yaman niDuterte.

Kagabi ay sinagot na ni Duterte ang mga alegasyon ni Trillanes at hinamon niya itong patunayan ang akusasyong may tagong yaman siya.

Speak Your Mind

*