Trump, balak dagdagan ang pondo para sa US military; foreign aid, tatapyasan

Nais ni US President Donald Trump na magkaroon ng siyam na porsiyentong dagdag sa military spending ng Amerika.

Ito ay kahit pa wala nang giyera ang Amerika sa Iraq at Afghanistan.

Ihihirit ni Trump sa Kongreso na taasan ang military spending at ibaba naman ang foreign aid spending.

Ani Trump, ang dagdag-pondo na hirit niya ay maituturing na ‘makasaysayan’ para muling maibalik ang lakas ng militar ng Amerika.

Hindi naman umano pakikialaman ang federal social programs ng Amerika gaya ng social security at medicare.

Speak Your Mind

*