Nominasyon kay Jeff Sessions bilang U.S Attorney General, kinumpirma

Kinumpirma ng U.S Senate ang nominasyon ni U.S President Donald Trump kay Alabama Senator Jeff Sessions bilang Attorney General.

Sa botong 52-47 ay nakalusot si Sessions sa senado.

Pero pinahirapan ng mga democrats si Sessions nang kwestiyunin ng mga ito ang record ng senador sa kanyang civil rights.

Dahil sa pagkakakumpirma ng nominasyon, si Sessions na ang mangunguna sa justice department at mga empleyado nito kabilang ang higit siyamnapung U.S Attorneys.

Speak Your Mind

*