US Court of Appeals, kinatigan ang pagpapatigil sa Muslim travel ban

Bigo si US President Donald Trump na mapagtibay ang kanyang kontrobersiyal na Muslim travel ban.

Ibinasura ng 9TH US Circuit Court of Appeals ang nais ni Trump at kinatigan ang desisyon ng isa pang korte para itigil ang nasabing executive order.

Sa botong 3-0 ay sinabi ng korte na hindi napatunayan ng gobyerno na may terror threat para magpatupad ng travel ban.

Galit namang nag-Tweet si Trump at sinabing nasa alanganin ang pambansang seguridad.

Inaasahang aakyat sa US Supreme Court ang kontrobersiyal na kaso.

Speak Your Mind

*